O tiyuhin ko, magsabi ka na walang Diyos kundi si Allāh, isang pangungusap na makikipagkatwiran ako para sa iyo sa pamamagitan nito sa kay Allāh

O tiyuhin ko, magsabi ka na walang Diyos kundi si Allāh, isang pangungusap na makikipagkatwiran ako para sa iyo sa pamamagitan nito sa kay Allāh

Ayon kay Sa`īd bin Al-Musayyab, ayon sa ama niya na nagsabi: {Noong dumating kay Abū Ṭālib ang pagpanaw, pumunta sa kanya ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka natagpuan niya sa piling nito sina Abū Jahl at `Abdullāh bin Abī Umayyah bin Al-Mughīrah saka nagsabi siya: "O tiyuhin ko, magsabi ka na walang Diyos kundi si Allāh, isang pangungusap na makikipagkatwiran ako para sa iyo sa pamamagitan nito sa kay Allāh." Kaya nagsabi si Abū Jahl at `Abdullāh bin Abī Umayyah: "Umaayaw ka ba sa kapaniwalaan ni `Abdulmuṭṭalib?" Kaya hindi natigil ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nag-aalok nito roon at umuulit naman doon ang dalawa ng nasabi hanggang sa nagsabi si Abū Ṭālib ng kahuli-hulihan sa sinalita niya sa kanila: "Nasa kapaniwalaan ni `Abdulmuṭṭalib ako." Tumanggi iyon na magsabi na walang Diyos kundi si Allāh. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sumpa man kay Allāh, talagang hihingi nga ako ng tawad para sa iyo hanggang hindi ako sinasaway laban sa iyo." Kaya nagpababa si Allāh: {Hindi naging ukol sa Propeta at sa mga sumampalataya na humingi sila ng tawad para sa mga tagapagtambal,} (Qur'ān 9:113) Nagpababa naman si Allāh kaugnay kay Abū Ṭālib sapagkat nagsabi Siya sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Tunay na ikaw ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo, subalit si Allāh ay pumapatnubay sa sinumang niloloob Niya.} (Qur'ān 28:56)}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Pumasok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kinaroroonan ng tiyuhin niyang si Abū Ṭālib habang ito ay naghihingalo saka nagsabi siya rito: "O tiyuhin, magsabi ka na walang Diyos kundi si Allāh, isang pangungusap na sasaksi ako para sa iyo sa pamamagitan nito sa kay Allāh." Kaya nagsabi si Abū Jahl at `Abdullāh bin Abī Umayyah: "O Abū Ṭālib, iiwanan mo ba ang kapaniwalaan ng ama mong si `Abdulmuṭṭalib?" Ito ay ang pagsamba sa mga anito. Hindi pa sila natigil na nagsasalita sa kanya hanggang sa nagsabi siya ng kahuli-hulihang bagay na isinalita niya sa kanila: na nasa kapaniwalaan ni `Abdulmuṭṭalib siya, ang kapaniwalaan ng Shirk at ang pagsamba sa mga anito. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mananalangin ako para sa iyo ng kapatawaran hanggat hindi sumasaway sa akin ang Panginoon ko laban doon." Kaya bumaba ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): {Hindi naging ukol sa Propeta at sa mga sumampalataya na humingi sila ng tawad para sa mga tagapagtambal, kahit na sila'y mga kamag-anak, pagkatapos na naging malinaw na sila'y mga mananahan sa Apoy.} (Qur'ān 9:113) Nagpababa naman si Allāh kaugnay kay Abū Ṭālib ng sabi Niya: {Tunay na ikaw ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo, subalit si Allāh ay pumapatnubay sa sinumang niloloob Niya.} (Qur'ān 28:56) Sapagkat ikaw ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo ang kapatnubayan sa kanya; tanging kailangan sa iyo ang pagpapaabot at si Allāh ay nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya.

فوائد الحديث

Ang pagbabawal sa paghingi ng tawad para sa mga tagapagtambal maging gaano man ang pagkakamag-anak sa kanila, ang gawain nila, at ang kagandahang-loob nila.

Ang paggaya-gaya sa mga ninuno at mga malalaking tao sa kabulaanan ay kabilang sa gawain ng mga kampon ng Kamangmangan.

Ang kalubusan ng pagkahabag ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at sigasig niya sa pag-aanyaya sa mga tao at kapatnubayan nila.

Ang pagtugon sa sinumang nagpalagay ng pag-anib sa Islām ni Abū Ṭālib.

Ang mga gawain ay batay sa mga pangwakas na gawa.

Ang kawalang-kabuluhan ng pagkahumaling sa Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) at iba pa sa kanya para sa pagtamo ng pakinabang o pagtulak ng pinsala.

Ang sinumang nagsabi na walang Diyos kundi si Allāh batay sa kaalaman, katiyakan, at paniniwala, pumasok siya sa Islām.

Ang pinsala sa tao ng mga kampon ng kasagwaan at mga kapares ng kasamaan.

Ang kahulugan ng: "Walang Diyos kundi si Allāh" ay ang pagwaksi ng pagsamba sa mga anito, mga taong pinakababanal, at mga maayos; at ang pagbubukod-tangi kay Allāh sa pagsamba. Ang mga tagapagtambal ay nakaaalam sa kahulugan nito.

Ang pagpayag sa pagdalaw sa maysakit na tagapagtambal kapag inaasahan ang pag-anib nito sa Islām.

Ang kapatnubayan ng pagtutuon sa tama ay nasa kamay ni Allāh – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya. Tanging kailangan sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang kapatnubayan ng pagtuturo, paggabay, at pagpapaabot.

التصنيفات

Ang Pagpapakahulugan ng Qur'ān, Ang Pag-aanyaya tungo kay Allāh