إعدادات العرض
{Ang higaan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay mula sa balat at ang ipinalaman dito ay mula sa himaymay.}
{Ang higaan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay mula sa balat at ang ipinalaman dito ay mula sa himaymay.}
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang higaan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay mula sa balat at ang ipinalaman dito ay mula sa himaymay.} Batay naman kay Imām: {Ang inuunanan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na sinasandalan niya, ay mula sa balat na ang ipinalaman dito ay himaymay.}
الترجمة
العربية Português دری Македонски Magyar Tiếng Việt ქართული বাংলা Kurdî ไทย অসমীয়া Nederlands ਪੰਜਾਬੀ Bahasa Indonesia Kiswahili ភាសាខ្មែរ English ગુજરાતી Hausaالشرح
Nagpabatid ang Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na ang higaan na tinutulugan noon ng Sugo ni Allah (s) ay niyari mula sa katad na kinulti, na pinuno ng himaymay mula sa punong datiles at gayon din ang unan niya na sinasandigan niya.فوائد الحديث
Ang paglilinaw sa lagay ng Propeta (s) na kawalang-kamunduhan at pag-ayaw sa minamasarap sa Mundo bagamat si Allah (zt) ay nagbigay-kapangyarihan sa kanya niyon kung sakaling niloloob niya magtamasa niyon.
Ang pagpayag sa pagkakaroon ng mga hinihigaan at mga inuunanan, pagtulog sa mga ito, at paggamit ng mga ito.
Nararapat sa Muslim na magsaalang-alang ng kalagayan nito at pamumuhay nito ayon sa kalagayan ng Propeta nito (s) sapagkat tunay na siya ay ang magandang tinutularan at na ang sinumang tumunton sa mga bakas niya ay mapatnunubayan at magtatagumpay sa Mundo at Kabilang-buhay.
Ang pagsisigasig sa paghahanda para sa Kabilang-buhay at na magkasya ang mananampalataya mula sa Mundo ng nakatutulong sa kanya sa pagtalima kay Allah at na hindi siya magpakaabala sa pagpaparamihan sa narito yayamang pumula nga si Allah sa mga ganitong sapagkat nasabi Siya (Qur'an 102:1-2): {1. Nagpalibang sa inyo ang pagpaparamihan 2. hanggang sa dumalaw kayo sa mga pinaglilibingan.}
