{May dumating na mga taong mula sa `Ukl o `Uraynah saka napangitan sila sa Madīnah

{May dumating na mga taong mula sa `Ukl o `Uraynah saka napangitan sila sa Madīnah

Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May dumating na mga taong mula sa `Ukl o `Uraynah saka napangitan sila sa Madīnah. Kaya naman nag-utos sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) [na pumunta] sa mga gatasang kamelyo at na uminom mula sa mga ihi ng mga ito at mga gatas ng mga ito. Kaya humayo naman sila; ngunit noong lumusog sila, pinatay nila ang pastol ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at itinaboy nila ang mga kamelyo. Nakarating [sa Propeta] ang balita sa simula ng umaga kaya nagpadala siya [ng tutunton] sa mga bakas nila. Noong nagtanghali, inihatid sila saka nag-utos siya, saka ipinaputol ang mga kamay nila at ang mga paa nila at pinakuan ang mga mata nila. Itinapon sila sa Al-Ḥarrah. Humihingi sila ng maiinom ngunit hindi sila pinaiinom. Nagsabi si Abū Qilābah: "Ang mga ito ay nagnakaw, pumatay, tumangging sumampalataya matapos ng pagsampalataya nila, at nakipagdigmaan kay Allāh at sa Sugo Niya."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

May dumating sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na mga lalaking kabilang sa lipi ng `Ukl at Lipi ng `Uraynah bilang mga Muslim. May dumapo sa kanila na sakit at karamdamang lumaki dahil dito ang mga tiyan. Kinasuklaman nila ang pananatili sa Madīnah yayamang tunay na hindi sumasang-ayon sa kanila ang pagkain doon at ang klima roon. Kaya naman nag-utos sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na pumunta sila sa mga kamelyo ng kawanggawa at na uminom sila mula sa mga ihi ng mga ito at mga gatas ng mga ito. Kaya humayo naman sila; ngunit noong lumusog sila, tumaba sila, at bumalik sa kanila ang mga kulay nila, pinatay naman nila ang pastol ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at itinaboy nila ang mga kamelyo. Nakarating [sa Propeta] ang balita sa simula ng umaga kaya nagpadala siya [ng tao] sa paghahanap sa kanila saka naabutan naman sila. Noong nagtanghali, inihatid sila, bilang mga bihag, sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nag-utos siya na putulin ang mga kamay nila at ang mga paa nila at tusukin ang mga mata nila dahil sila ay gumawa niyon sa pastol. Itinapon sila sa Al-Ḥarrah. Humihingi sila ng maiinom ngunit hindi sila pinaiinom hanggang sa namatay sila. Nagsabi si Abū Qilābah na sila ay nagnakaw, pumatay, tumangging sumampalataya matapos ng pagsampalataya nila, at nakipagdigmaan kay Allāh at sa Sugo Niya.

فوائد الحديث

Ang kadalisayan ng ihi ng anumang kinakain ang karne nito.

Ang pagkaisinasabatas ng panggagamot at pagbibigay-lunas sa pamamagitan ng mga gatas ng mga kamelyo at mga ihi ng mga ito.

Ang legalidad ng pakikipagtularan sa ganting-pinsala (qaṣāṣ) at ang pagsaway laban sa paglasug-lasog ay ipinahihiwatig ayon sa hindi pamamaraan ng pakikipagtumbasan at ganting-pinsala.

Ang pagpatay sa pangkat dahil sa nag-iisa, maging pumatay man sila nito sa isang asasinasyon o sa isang pakikidigma.

التصنيفات

Ang Medisinang Pampropeta, Ang Takdang Parusa sa Panunulisan, Ang Takdang Parusa sa Pagtalikod sa Islām