Huwag ninyo siyang sumpain sapagkat sumpa man kay Allah, ang nalaman ko ay na siya ay umiibig kay Allah at sa Sugo Niya."}

Huwag ninyo siyang sumpain sapagkat sumpa man kay Allah, ang nalaman ko ay na siya ay umiibig kay Allah at sa Sugo Niya."}

Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya): {May isang lalaki sa panahon ng Propeta (s) na ang pangalan ay `Abdullāh. Ito noon ay tinatagurian bilang Ḥimār. Ito noon ay nagpapatawa sa Sugo ni Allah (s). Ang Propeta minsan (s) ay humagupit dito dahil sa pag-inom [ng alak]. Dinala na naman ito isang araw saka hinagupit ito kaya may nagsabing isang tao kabilang sa mga tao: "O Allah, sumpain Mo siya! Anong dami ng paghahatid sa kanya!" Kaya nagsabi naman ang Propeta (s): "Huwag ninyo siyang sumpain sapagkat sumpa man kay Allah, ang nalaman ko ay na siya ay umiibig kay Allah at sa Sugo Niya."}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Noong panahon ng Propeta (s) ay may isang lalaking ang pangalan ay `Abdullāh at tinatagurian bilang Ḥimār. Ito noon ay nagpapatawa sa Propeta (s) sa ilan sa pananalita nito. Ang Propeta noon (s) ay humagupit nga rito dahil sa pag-inom ng alak, saka inihatid na naman ito isang araw dahil sa pag-inom ng alak kaya nag-utos siya na parusahn ito saka hinagupit ito. Inalipusta ito ng isa sa mga nakadalo at sinabi niyon: "Sumpain siya ni Allah! Anong dami ng paghahatid sa kanya! Uminom na naman siya ng alak!" Kaya nagsabi naman ang Propeta (s): "Huwag kayong manalangin sa kanya ng pagtaboy mula sa awa ni Allah sapagkat sumpa man kay Allah, wala akong nalaman kundi na siya ay umiibig kay Allah at sa Sugo Niya."

فوائد الحديث

Hindi nagkakasulangatan sa pagitan ng pagkagawa ng sinasaway at pananatili ng pag-ibig kay Allah at sa Sugo ni Allah sa puso ng nakagagawa niyon dahil ang Propeta (s) ay nagpabatid na ang nabanggit ay umiibig kay Allah at sa Sugo ni Allah sa kabila ng namutawi rito [na pagsuway].

Ang nakagawa ng malaking kasalanan - kapag namatay ito habang ito ay nagpupumilit sa anuman sa malaking kasalanan - ay nasa ilalim ng kalooban ni Allah: kung loloobin ni Allah ay magpapatawad Siya rito at kung lololoobin Niya ay magdudulot Siya rito ng pagdurusa. Hindi mamamalagi sa Iimpiyerno ang isa sa mga alagad ng Islam.

Ang pagkasuklam sa pagsumpa sa natukoy na umiinom ng alak dahil sa pagkasaposibilidad ng pag-iral ng isang tagahadlang sa pag-ukol ng pagsumpa at dahil ang pagsumpa sa natukoy at ang pagdalangin laban sa kanya ay maaaring magtulak sa kanya sa pamamalagi [sa pag-inom] o magsawalang-pag-asa sa kanya pagtanggap ng pagbabaik-loob niya.

Ang pagpayag sa pagsumpa nang hindi tinutukoy ang nailalarawan sa kasalanang iyon.

التصنيفات

Ang Takdang Parusa sa Alak, Ang Etikang Kapula-pula, Ang mga Kaasalan ng Pagsasalita at Pananahimik