إعدادات العرض
Walang pananampalataya para sa sinumang walang pagkamapagkakatiwalaan sa kanya at walang relihiyon para sa sinumang walang [pagtupad sa] kasunduan sa kanya."}
Walang pananampalataya para sa sinumang walang pagkamapagkakatiwalaan sa kanya at walang relihiyon para sa sinumang walang [pagtupad sa] kasunduan sa kanya."}
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Hindi nagtalumpati sa amin ang Propeta ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) malibang nagsabi siya: "Walang pananampalataya para sa sinumang walang pagkamapagkakatiwalaan sa kanya at walang relihiyon para sa sinumang walang [pagtupad sa] kasunduan sa kanya."}
الترجمة
العربية Tiếng Việt Bahasa Indonesia Nederlands Kiswahili অসমীয়া English ગુજરાતી සිංහල Magyar ქართული Hausa Română ไทย Português मराठी ភាសាខ្មែរ دری አማርኛ বাংলা Kurdî Македонскиالشرح
Nagpapabatid si Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na madalang na magtalumpati ang Propeta ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) o mangaral malibang bumanggit siya ng dalawang bagay: Una. Walang kumpletong pananampalataya para sa sinumang sa sarili niya ay may kataksilan sa isang tao sa ari-arian nito o sarili nito o mag-anak nito; Ikalawa. Walang kumpletong relihiyon para sa sinumang nagtataksil sa mga kasunduan at mga tipan at sumisira sa mga ito.فوائد الحديث
Ang paghimok sa pagganap sa ipinagkatiwala at pagtupad sa kasunduan sapagkat tunay na ang pagsira nila ay nakababawas sa pananampalataya.
Ang pagbibigay-babala laban sa pagtataksil sa ipinagkatiwala at pagsira sa kasunduan at na iyon ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala.
Sumasaklaw ang ḥadīth sa pangangalaga sa ipinagkatiwala at kasunduan na nasa pagitan ni Allāh at ng lingkod Niya at ng nasa pagitan ng nilikha sa isa't isa sa kanila.
التصنيفات
Ang Etikang Kapuri-puri