Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa higit na mabuti sa inyo kaysa sa higit na masama sa inyo?

Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa higit na mabuti sa inyo kaysa sa higit na masama sa inyo?

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay tumindig sa mga taong nakaupo saka nagsabi: "Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa higit na mabuti sa inyo kaysa sa higit na masama sa inyo?" Sinabi: Nanahimik sila kaya nagsabi siya niyon nang tatlong ulit, saka may nagsabing silang lalaki: "O Sugo ni Allah, magpabatid ka sa amin hinggil sa higit na mabuti sa amin kaysa sa higit na masama sa amin." Nagsabi siya: "Ang higit na mabuti sa inyo ay sinumang naaasahan ang kabutihan niya at naliligtasan ang kasamaan niya. Ang higit na masama sa inyo ay sinumang hindi naaasahan ang kabutihan at hindi naliligtasan ang kasamaan niya."}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]

الشرح

Tumindig ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga taong nakaupo kabilang sa mga Kasamahan niya saka nagtanong siya sa kanila: "Hindi ba ako magtuturo sa inyo at babanggit para sa inyo kung sino ang higit na mabuti sa inyo at kung sino ang higit na masama sa inyo?" Hindi sila nakapagsalita at hindi sila nakasagot ng anuman dala ng pagkatakot sa pagkahayag sa higit na mabuti sa kanila at higit na masama sa kanila. Nangamba-ngamba sila sa pagkabunyag kaya nanahimik sila. Kaya inulit ng Propeta (s) sa kanila ang tanong nang tatlong ulit. May sumagot namang isang lalaking kabilang sa kanila: "Opo, O Sugo ni Allah. Magpabatid ka sa amin hinggil sa higit na mabuti sa amin kaysa sa higit na masama sa amin." Naglinaw sa kanila ang Propeta (s) na ang higit na mabuti sa kanila ay ang sinumang nahihintay at naaasahan ang kabutihan niya, ang paggawa niya ng maganda, at ang pagsasamabuting-loob niya, at naliligtasan ang kasaamaan niya kaya hindi napangangambahan ang paglabag niya, ang paggawa niya ng masagwa, at ang kawalang-katarungan niya; at na ang higit na masama sa kanila ay ang sinumang hindi naasahan, hindi nahihintay, at hindi nahahangad ang kabutihan niya, ang paggawa niya ng mabuti, at ang pagsasamabuting-loob niya, at hindi naliligtasan ang kasamaan niya, bagkus napangangambahan ang paglabag niya, ang paggawa niya ng masagwa, at ang kawalang-katarungan niya.

فوائد الحديث

Ang pagliinaw sa higit na mabuti sa mga tao at higit na masama sa kanila.

Ang kapakinabangan at ang kapinsalaang umaabot sa iba ay higit na mabigat kaya sa nalilimitahan sa sarili.

Ang paghimok sa kagandahan ng mga kaasalan, kagandahan ng pakikitungo sa mga tao, at ang pagbibigay-babala laban sa paglabag, kasamaan, at pangangaway.

التصنيفات

Ang Etikang Kapuri-puri