Hindi nagpapasalamat kay Allāh ang sinumang hindi nagpapasalamat sa mga tao."}

Hindi nagpapasalamat kay Allāh ang sinumang hindi nagpapasalamat sa mga tao."}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Hindi nagpapasalamat kay Allāh ang sinumang hindi nagpapasalamat sa mga tao."}

[Tumpak] [رواه أبو داود والترمذي وأحمد]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (s) na ang hindi nagpapasalamat kay Allah ay karaniwang hindi nagpapasalamat sa mga tao dahil sa nakabubuti at magandang ginawa nila sa kanya. Iyon ay dahil sa pagkakaugnay na unang pasasalamat sa ikalawang pasasalamat yayamang bahagi ng kalikasan niya at nakahiratian niya ang kawalang-pasasalamat sa biyaya ng mga tao at ang pagwaksi sa pasasamalat sa kanila, nagiging bahagi ng nakahiratian niya ang pagtanggi sa pagpapasamat sa biyaya ni Allah at ang pagkukulang sa pagpapasalamat niya rito.

فوائد الحديث

Ang kahalagahan ng pasasalamat sa mga tao sa nakabubuting nagawa.

Ang tagapagbiyaya, sa totoo, ay si Allah samantalang ang nilikha ay pinasisilbi ni Allah (t) sa sinumang niloloob Niya. Dahil doon, tunay na ang pagpapasalamat sa mga tao ay bahagi ng pagpapasalamat kay Allah (t).

Ang pagpapasamalat sa mga tao dahil sa nakabubuting nagawa nila ay isang patunay sa kalubusan ng kaasalan.

التصنيفات

Ang Etikang Kapuri-puri