Hindi siya naging isang mahalay ni isang nagpapakahalay ni isang palahiyaw sa mga lansangan. Hindi siya gumaganti sa gawang masagwa ng gawang masagwa subalit nagpapaumanhin siya at nagpapalampas siya."}

Hindi siya naging isang mahalay ni isang nagpapakahalay ni isang palahiyaw sa mga lansangan. Hindi siya gumaganti sa gawang masagwa ng gawang masagwa subalit nagpapaumanhin siya at nagpapalampas siya."}

Ayon kay Abū `Abdillāh Al-Jadalīy na nagsabi: {Nagtanong ako kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) tungkol sa kaasalan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi ito: "Hindi siya naging isang mahalay ni isang nagpapakahalay ni isang palahiyaw sa mga lansangan. Hindi siya gumaganti sa gawang masagwa ng gawang masagwa subalit nagpapaumanhin siya at nagpapalampas siya."}

[Tumpak]

الشرح

Tinanong ang ina ng mga mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) tungkol sa kaasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi ito: "Hindi naging nasa kalikasan niya ang kahalayan at ang kapangitan sa mga sinasabi niya at mga ginagawa niya. Hindi siya nagpapakahirap sa kahalayan at hindi nananadya nito. Hindi palasigaw na nagtataas ng tinig niya sa mga lansangan. Hindi siya gumaganti sa gawang masagwa ng gawang masagwa; subalit gumaganti siya sa gawang maganda, nagpapaumanhin siya sa pakubli, at nagpapalampas siya at umaayaw siya roon sa panlabas."}

فوائد الحديث

Ang paglilinaw sa nasa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kaasalang mataas at paglayo sa mga kaasalang kapula-pula.

Ang paghimok sa paggawa ng mga kaasalang maganda at pagpapakalayo sa mga kaasalang masagwa.

Ang pagpula sa pagsasalita ng bastos sa sinasabi at pananalitang pangit.

Ang pagpula sa pagtataas ng tinig sa mga tao at pagsigaw sa kanila.

Ang paghimok sa pagtapat sa pagkagawa ng masagwa ng magandang gawa, pagpapaumanhin, at pagpaparaya.

التصنيفات

Ang Etikang Kapuri-puri, Ang Pagpapaumanhin Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan