إعدادات العرض
Kapag nagduda ang isa sa inyo sa ṣalāh niya, kaya hindi siya nakaalam kung nagdasal ba siya ng tatlo o apat [na rak`ah], ibato niya ang pagdududa at ibatay niya sa natitiyak niya. Pagkatapos magpatirapa siya ng dalawang patirapa bago magsagawa ng taslīm,
Kapag nagduda ang isa sa inyo sa ṣalāh niya, kaya hindi siya nakaalam kung nagdasal ba siya ng tatlo o apat [na rak`ah], ibato niya ang pagdududa at ibatay niya sa natitiyak niya. Pagkatapos magpatirapa siya ng dalawang patirapa bago magsagawa ng taslīm,
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag nagduda ang isa sa inyo sa ṣalāh niya, kaya hindi siya nakaalam kung nagdasal ba siya ng tatlo o apat [na rak`ah], ibato niya ang pagdududa at ibatay niya sa natitiyak niya. Pagkatapos magpatirapa siya ng dalawang patirapa bago magsagawa ng taslīm, sapagkat kung nagdasal siya ng limang [rak`ah], gagawing tukol (even) ng mga ito para sa kanya ang ṣalāh niya; at kung nagdasal naman siya ng isang paglubos sa apat [na rak`ah], ang mga ito ay magiging isang pag-aaba para sa demonyo."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو हिन्दी 中文 Kurdî Português دری অসমীয়া Tiếng Việt Svenska Yorùbá Кыргызча Kiswahili ગુજરાતી Hausa नेपाली Română മലയാളം Nederlands සිංහල پښتو తెలుగు Soomaali Kinyarwanda ಕನ್ನಡ Српски Moore ქართული Čeština Magyar Українська Македонски Lietuvių Azərbaycan Wolof አማርኛ Malagasy Oromoo ไทย Deutsch मराठी ਪੰਜਾਬੀ ភាសាខ្មែរالشرح
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang tagapagsagawa ng ṣalāh, kapag nag-atubili siya sa ṣalāh niya at hindi siya nakaaalam kung ilang rak`ah ang dinasal niya: tatlo ba o apat, layuan niya ang bilang na nadagdag na pinagdududahan at hindi siya babatay rito. ِAng tatlong rak`ah ay ang natitiyak kaya magsasagawa siya ng ikaapat na rak`ah, pagkatapos magpapatirapa siya ng dalawang patirapa bago magsagawa ng taslīm. Kung ang dinasal niya ay tunay na apat na rak`ah, ito ay magiging limang rak`ah sa pagkadagdag ng isang rak`ah at ang dalawang patirapa ng pagkalingat ay magiging isang pamalit sa rak`ah. Kaya ang bilang ay tukol (even) hindi gansal (odd). Kung nakapagdasal na siya ng apat na rak`ah sa ṣalāh na may dagdag na rak`ah, siya ay magiging nakaganap na ng kailangan sa kanya nang walang dagdag ni bawas. Ang dalawang patirapa ng pagkalingat ay isang panghahamak sa demonyo, isang pagtaboy sa kanya, at pagtutol sa kanya bilang itinataboy na pinalayo sa ninanais niya dahil nakalito sa kanya ang ṣalāh nito at naharang siya sa pagsira nito samantalang nabuo naman ang ṣalāh ng anak ni Adan noong sumunod ito sa utos ni Allāh ng pagpapatirapa na ipinansuway nito kay Satanas nang tumanggi siya sa pagtalima kay Allāh sa pagpapatirapa kay Adan.فوائد الحديث
Ang tagapagsagawa ng ṣalāh, kapag nagduda siya sa ṣalāh niya at hindi siya makapili ng matimbang sa ganang kanya sa isa sa dalawang mapipili, tunay na siya ay magtatapon ng pagdududa at gagawa ayon sa katiyakan, ang pinakakaunting rak`ah. Kaya lulubusin niya ang ṣalāh niya at magpapatirapa siya para sa pagkalingat bago siya magsagawa ng taslīm, pagkatapos magsasagawa muli siya ng taslīm.
Ang dalawang patirapang ito ay isang daan tungo sa pagkumpuni ng ṣalāh at pagtutol sa demonyo bilang itinataboy na hamak na pinalayo sa ninanais niya.
Ang pagdududang tinutukoy sa ḥadīth ay ang pag-aatubili nang walang pagpili ng matimbang. Kapag natagpuan ang palagay at napili ito bilang matimbang, gagawa ayon dito.
Ang paghimok sa pakikidigma sa pasaring [ng demonyo] at pagtulak nito sa pamamagitan ng pagsunod sa utos ng Kapahayagan.