O Sugo ni Allāh, nagtuturing kami na ang pakikibaka ay pinakamainam na gawain, kaya makikibaka po ba kami?" Nagsabi siya: "Hindi; subalit ang pinakamainam na pakikibaka ay isang ḥajj na tinanggap."}

O Sugo ni Allāh, nagtuturing kami na ang pakikibaka ay pinakamainam na gawain, kaya makikibaka po ba kami?" Nagsabi siya: "Hindi; subalit ang pinakamainam na pakikibaka ay isang ḥajj na tinanggap."}

Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: "O Sugo ni Allāh, nagtuturing kami na ang pakikibaka ay pinakamainam na gawain, kaya makikibaka po ba kami?" Nagsabi siya: "Hindi; subalit ang pinakamainam na pakikibaka ay isang ḥajj na tinanggap."}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) ay nagtuturing na ang pakikibaka sa landas ni Allāh at ang pakikipaglaban sa mga kaaway ay kabilang sa pinakamainam sa mga gawain. Kaya nagtanong si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung makikibaka sila. Ginabayan sila ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungo sa pinakamainam na pakikibaka sa panig nila. Ito ay ang ḥajj na tinanggap, na sumasang-ayon sa Qur'ān at Sunnah, na malaya sa kasalanan at pakitang-tao.

فوائد الحديث

Ang pakikibaka ay kabilang sa pinakamainam sa mga gawain para sa mga lalaki.

Ang pagsasagawa ng ḥajj para sa mga babae ay higit na mainam kaysa sa pakikibaka. Ito ay kabilang sa pinakamainam sa mga gawain para sa kanila.

Ang mga gawain ay nagkakalamangan at nagkakaibahan alinsunod sa tagagawa.

Tinawag ang ḥajj bilang pakikibaka dahil ito ay pakikibaka sa sarili at dito ay may pagkakaloob ng yaman at lakas para sa katawan. Kaya naman ito ay isang pagsambang pangkatawan at pampananalapi gaya ng pakikibaka sa landas ni Allāh.

التصنيفات

Ang Kainaman ng Ḥajj at `Umrah