Huwag kang makaliligta sa bawat wakas ng salah na magsabi ng: Allāhumma a`innī `alā dhikrika wa-shukrika wa-ḥusni `ibādatik. (O Allāh, tulungan Mo ako sa pag-aalaala sa Iyo, pagpapasalamat sa Iyo, at pagpapahusay sa pagsamba sa Iyo.)"}

Huwag kang makaliligta sa bawat wakas ng salah na magsabi ng: Allāhumma a`innī `alā dhikrika wa-shukrika wa-ḥusni `ibādatik. (O Allāh, tulungan Mo ako sa pag-aalaala sa Iyo, pagpapasalamat sa Iyo, at pagpapahusay sa pagsamba sa Iyo.)"}

Ayon kay Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allah sa kanya): {Ang Sugo ni Allah (s) ay humawak sa kamay nito at nagsabi siya: "O Mu`ādh, sumpa man kay Allah, tunay na ako ay umiibig sa iyo." Saka nagsabi siya: "Nagtatagubilin ako sa iyo, O Mu`ādh: Huwag kang makaliligta sa bawat wakas ng salah na magsabi ng: Allāhumma a`innī `alā dhikrika wa-shukrika wa-ḥusni `ibādatik. (O Allāh, tulungan Mo ako sa pag-aalaala sa Iyo, pagpapasalamat sa Iyo, at pagpapahusay sa pagsamba sa Iyo.)"}

[Tumpak]

الشرح

Humawak ang Propeta (s) sa kamay ni Mu`ādh (malugod si Allah dito) at nagsabi siya rito: "Sumpa man kay Allah, tunay na ako ay umiibig sa iyo at magtatagubilin sa iyo, O Mu`ādh: Huwag kang makaliligta na magsabi sa bawat katapusan ng salah: "Allāhumma a`innī `alā dhikrika (O Allāh, tulungan Mo ako sa pag-aalaala sa Iyo)" sa bawat sinasabi at ginagawang nagpapalapit sa pagtalima. "wa-shukrika ([at] pagpapasalamat sa Iyo)" sa pamamagitan ng pagtamo ng mga biyaya at pagkalayo ng mga salot. "wa-ḥusni `ibādatik (at pagpapahusay sa pagsamba sa Iyo)" sa pamamagitan ng pagpapakawagas kay Allah at sa pakikipagsunuran sa Propeta (s).

فوائد الحديث

Ang pagkaisinasabatas ng pagpapabatid ng tao hinggil sa pag-ibig niya kay Allah.

Ang pagsasakaibig-ibig ng panalanging ito sa wakas ng bawat salah na isinatungkulin at kinukusang-loob.

Nasaad sa panalangin sa pamamagitan ng kaunting pananalitang ito ang mga kahilingan sa Mundo at Kabilang-buhay.

Kabilang sa mga benepisyo ng pag-ibig alang-alang kay Allah ang pagtatagubilinan ng katotohanan, ang pagpapayuhan, at ang pagtutulungan sa pagsasamabuting-loob at pangingilag magkasala.

Nagsabi si Aṭ-Ṭaybīy: Ang pag-alaala kay Allah ay ang panimula ng pagkapanatag ng dibdib, ang pagpapasalamat sa Kanya ay ang kaparaanan ng mga biyayang tinugon, at ang pagpapahusay ng pagsamba na hinihiling sa kanya ay ang pagkalas sa anumang nakaaabala sa kanya kay Allah (t).

التصنيفات

Ang mga Dhikr sa Ṣalāh