{Tunay na sa Paraiso ay may pintuan na tinatawag na Ar-Rayyān. Papasok mula roon ang mga tagapag-ayuno sa Araw ng Pagbangon; walang papasok mula roon na isang iba pa sa kanila

{Tunay na sa Paraiso ay may pintuan na tinatawag na Ar-Rayyān. Papasok mula roon ang mga tagapag-ayuno sa Araw ng Pagbangon; walang papasok mula roon na isang iba pa sa kanila

Ayon kay Sahl (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: {Tunay na sa Paraiso ay may pintuan na tinatawag na Ar-Rayyān. Papasok mula roon ang mga tagapag-ayuno sa Araw ng Pagbangon; walang papasok mula roon na isang iba pa sa kanila. Sasabihin: "Nasaan ang mga tagapag-ayuno?" Kaya tatayo sila; walang papasok mula roon na isang iba pa sa kanila. Kaya kapag nakapasok sila, isasara ito saka walang papasok mula roon na isa man.}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na may isang pintuan kabilang sa mga pintuan ng Paraiso na tinatawag na pintuan ng Ar-Rayyān. Papasok mula roon ang mga tagapag-ayuno sa Araw ng Pagbangon; walang papasok mula roon na isang iba pa sa kanila. Ipananawagan: "Nasaan ang mga tagapag-ayuno?" Kaya tatayo sila at papasok sila; walang papasok mula roon na isang iba pa sa kanila. Kaya kapag nakapasok ang kahuli-hulihan sa kanila, isasara ito saka walang papasok mula roon na isa man.

فوائد الحديث

Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Nasaad sa ḥadīth na ito ang kainaman ng pag-aayuno at ang karangalan ng tagapag-ayuno.

Nagbukod-tangi si Allāh para sa mga tagapag-ayuno ng isang pintuan ng walong pintuan ng Paraiso, na kapag nakapasok sila rito ay isasara na.

Ang paglilinaw na ang Paraiso ay may mga pintuan.

Nagsabi si As-Sindīy: Ang sabi niya na: "Nasaan ang mga tagapag-ayuno?" ay nangangahulugang: ang mga tagapagparami ng pag-aayuno, gaya ng makatarungan at tagalabag sa katarungan na sinasabi sa sinumang nahirati roon, hindi sa sinumang gumagawa niyon nang isang ulit.

Ang Ar-Rayyān ay nangangahulugang ang nagpapainom dahil ang mga tagapag-ayuno ay nauuhaw lalo na sa mga araw ng mahabang mainit na tag-init. Kaya naman gagantihan sila sa pamamagitan ng pagpangalan sa pintuang ito ng natatangi sa kanila: Ang Pintuan ng Palapainom. Sinabi rin na ang Ar-Rayyān ay palasagawa ng maraming pag-inom laban sa pagkauhaw. Tinawag ito bilang gayon dahil ito ay ganti sa mga tagapag-ayuno sa uhaw nila at gutom nila.

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Pag-aayuno