إعدادات العرض
Ang sinumang nakalimot habang siya ay nag-aayuno, kaya nakakain o nakainom, maglubos siya ng pag-aayuno niya sapagkat nagpakain lamang sa kanya si Allāh at nagpainom sa kanya."}
Ang sinumang nakalimot habang siya ay nag-aayuno, kaya nakakain o nakainom, maglubos siya ng pag-aayuno niya sapagkat nagpakain lamang sa kanya si Allāh at nagpainom sa kanya."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nakalimot habang siya ay nag-aayuno, kaya nakakain o nakainom, maglubos siya ng pag-aayuno niya sapagkat nagpakain lamang sa kanya si Allāh at nagpainom sa kanya."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdî සිංහල Kiswahili Tiếng Việt অসমীয়া ગુજરાતી Nederlands മലയാളം Română Magyar ქართული Moore ಕನ್ನಡ Svenska Македонски ไทย Українська తెలుగు मराठी ਪੰਜਾਬੀ دری አማርኛ Malagasy پښتو ភាសាខ្មែរالشرح
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nakakain o nakainom habang nakalilimot samantalang siya ay nasa isang pag-aayunong tungkulin o kusang-loob, maglubos siya ng pag-aayuno niya at huwag siyang tumigil-ayuno dahil siya naman ay hindi nagpakay ng pagtigil-ayuno. Ito lamang ay isang panustos na inakay ni Allāh sa kanya, ipinakain sa kanya, at ipinainom sa kanya.فوائد الحديث
Ang katumpakan ng pag-aayuno ng sinumang nakakain o nakainom habang nakalilimot.
Hindi kasalanan sa sinumang nakakain o nakainom habang nakalilimot dahil ito ay hindi pagpili niya.
Ang kabaitan ni Allāh sa mga lingkod Niya, ang pagpapadali sa kanila, at ang pagpawi ng pahirap at pagkaasiwa buhat sa kanila.
Hindi titigil-ayuno ang tagapag-ayuno sa pamamagitan ng anuman mula sa mga tagapagpatigil-ayuno malibang kapag nalubos ang tatlong kundisyon: 1. na siya ay nakaaalam sapagkat kung siya ay hindi nakaaalam, hindi siya tumigil-ayuno; 2. na siya ay nakaalaala sapagkat kung siya ay nakalilimot, ang pag-aayuno niya ay tumpak at walang pagbabayad-ayuno sa kanya; 3. na siya ay nakapipili na hindi napipilitan na kumunsumo ng tagapagpatigil-ayuno ayon sa pagpili niya.
التصنيفات
Ang mga Nakasisira sa Pag-aayuno