Ang paghahalintulad sa mananampalataya na bumibigkas ng Qur'ān ay katulad ng sitron: ang amoy nito ay kaaya-aya at ang lasa nito ay kaaya-aya. Ang paghahalintulad sa mananampalataya na hindi bumibigkas ng Qur'ān ay katulad ng datiles: walang amoy rito at ang lasa nito ay matamis

Ang paghahalintulad sa mananampalataya na bumibigkas ng Qur'ān ay katulad ng sitron: ang amoy nito ay kaaya-aya at ang lasa nito ay kaaya-aya. Ang paghahalintulad sa mananampalataya na hindi bumibigkas ng Qur'ān ay katulad ng datiles: walang amoy rito at ang lasa nito ay matamis

Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang paghahalintulad sa mananampalataya na bumibigkas ng Qur'ān ay katulad ng sitron: ang amoy nito ay kaaya-aya at ang lasa nito ay kaaya-aya. Ang paghahalintulad sa mananampalataya na hindi bumibigkas ng Qur'ān ay katulad ng datiles: walang amoy rito at ang lasa nito ay matamis. Ang paghahalintulad sa mapagpaimbabaw na bumibigkas ng Qur'ān ay tulad ng balanoy: ang amoy nito ay kaaya-aya at ang lasa nito ay mapait. Ang paghahalintulad sa mapagpaimbabaw na hindi bumibigkas ng Qur'ān ay katulad ng ligaw na pakwan: wala itong amoy at ang lasa nito ay mapait."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga uri ng mga tao sa pagbigkas ng Qur'ān at pakikinabang dito: Ang Unang Bahagi: Ang mananampalataya na bumibigkas ng Qur'ān at nakikinabang dito kaya siya ay gaya ng bunga ng sitron: kaaya-aya ang lasa at ang amoy at maganda ang kulay. Ang mga kapakinabangan niya ay marami sapagkat siya ay gumagawa ayon sa binibigkas niya at nagpapakinabang sa mga lingkod ni Allāh Ang Ikalawa: Ang mananampalataya na hindi bumibigkas ng Qur'ān kaya siya ay gaya ng datiles: ang lasa nito ay matamis at walang amoy rito. Ang puso niya ay naglalaman ng pananampalataya gaya ng paglalaman ng datiles ng tamis sa lasa nito at panloob nito at kawalan ng paglitaw ng amoy nito na maaamoy ng mga tao dahil sa hindi paglitaw ng isang pagbigkas mula sa kanya, na nakadarama ng kapahingahan ang mga tao sa pagdinig dito. Ang Ikatlo: Ang mapagpaimbabaw na bumibigkas ng Qur'ān kaya siya ay gaya ng balanoy: may kaaya-ayang amoy rito at ang lasa nito ay mapait, yayamang hindi naaangkop ang puso niya sa pananampalataya, hindi siya nagsasagawa ayon sa Qur'ān, at lumilitaw siya sa mga tao na siya raw ay mananampalataya, kaya ang amoy nitong kaaya-aya ay nakawawangis ng pagbigkas niya at ang lasa nitong mapait ay nakawawangis ng kawalang-pananampalataya niya. Ang Ikaapat: Ang mapagpaimbabaw na hindi bumibigkas ng Qur'ān kaya siya ay gaya ng ligaw na pakwan yayamang tunay na ito ay walang amoy at mapait ang malalasahan dito kaya naman ang pagkakawala ng amoy nito ay nakawangis ng pagkakawala ng amoy niya dahil sa kawalan ng pagbigkas niya at ang kapaitan ng lasa nito ay kawangis ng kapaitan ng kawalang-pananampalataya niya sapagkat ang panloob niya ay hungkag sa pananampalataya at ang panlabas niya ay walang pakinabang doon, bagkus iyon ay nakapipinsala.

فوائد الحديث

Ang paglilinaw sa kalamangan ng tagapagtaglay ng Qur'ān at tagagawa ayon dito.

Kabilang sa mga paraan ng pagtuturo ang paglalahad ng paghahalintulad para sa pagpapalapit sa pag-intindi.

Nararapat sa Muslim na magkaroon siya ng pagsambit na nagpapatuloy mula sa Aklat ni Allāh (napakataas Siya).

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Pagpapahalaga sa Qur'ān