إعدادات العرض
Ang sinumang nagsabi, kapag naririnig niya ang mu'adhdhin, ng: Ashhadu an lā ilāha illa –llāhu waḥdahu lā sharīka lah, wa-anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. Raḍītu bi-llāhi rabban, wa-bi-muḥammadir rasūlan, wa-bi-l'islāmi dīnā. (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh…
Ang sinumang nagsabi, kapag naririnig niya ang mu'adhdhin, ng: Ashhadu an lā ilāha illa –llāhu waḥdahu lā sharīka lah, wa-anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. Raḍītu bi-llāhi rabban, wa-bi-muḥammadir rasūlan, wa-bi-l'islāmi dīnā. (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya; at na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya. Nalugod ako kay Allāh bilang Panginoon, kay Muḥammad bilang Sugo, at sa Islām bilang Relihiyon.), magpapatawad sa kanya sa pagkakasala niya."}
Ayon kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nagsabi, kapag naririnig niya ang mu'adhdhin, ng: Ashhadu an lā ilāha illa –llāhu waḥdahu lā sharīka lah, wa-anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. Raḍītu bi-llāhi rabban, wa-bi-muḥammadir rasūlan, wa-bi-l'islāmi dīnā. (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya; at na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya. Nalugod ako kay Allāh bilang Panginoon, kay Muḥammad bilang Sugo, at sa Islām bilang Relihiyon.), magpapatawad sa kanya sa pagkakasala niya."}
الترجمة
العربية Bosanski English فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Español Hausa Kurdî Português සිංහල Svenska ગુજરાતી Yorùbá ئۇيغۇرچە Tiếng Việt Kiswahili پښتو অসমীয়া دری Кыргызча or Čeština नेपाली Română Nederlands Soomaali తెలుగు മലയാളം Српски Kinyarwanda ಕನ್ನಡ Lietuvių Wolof ქართული Magyar Moore Українська Македонски Azərbaycan Shqip አማርኛ Malagasy Oromoo ไทย বাংলা Deutsch मराठी ਪੰਜਾਬੀ O‘zbek Italiano ភាសាខ្មែរالشرح
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsabi, kapag naririnig niya ang mu'adhdhin, ng: "Ashhadu an lā ilāha illa –llāhu waḥdahu lā sharīka lah," (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya)." Ibig sabihin: Naninindigan ako, kumikilala ako, at nagpapabatid ako na walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh at ang bawat sinasambang iba sa Kanya ay kabulaanan. "wa anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. (at na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)." Ibig sabihin: Na siya ay isang lingkod na hindi sinasamba at isang sugo na hindi nagsisinungaling. "Raḍītu bi-llāhi rabban, (Nalugod ako kay Allāh bilang Panginoon,)." Ibig sabihin: Sa pagkapanginoon Niya, pagkadiyos Niya, at mga pangalan Niya at mga katangian Niya. "wa-bi-muḥammadir rasūlan, (kay Muḥammad bilang Sugo)." Ibig sabihin: Sa lahat ng ipinasugo sa Kanya at ipinaabot niya sa atin. "wa-bi-l'islāmi dīnā. (at sa Islām bilang Relihiyon.)." Ibig sabihin: sa lahat ng mga patakaran ng Islām na mga ipinag-uutos at mga sinasaway. "bilang Relihiyon." Ibig sabihin: bilang paniniwala at bilang pagpapaakay. "magpapatawad sa kanya sa pagkakasala niya." Ibig sabihin: mula maliliit na kasalanan.فوائد الحديث
Ang pag-uulit-ulit ng panalanging ito sa sandali ng pagkarinig ng adhān ay kabilang sa mga tagatakip-sala ng mga pagkakasala.
التصنيفات
Ang Adhān at ang Iqāmah