{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumulat kay Khosrow, kay Kaysar, at sa Negus, at sa bawat maniniil, na nag-aanyaya sa kanila tungo kay Allah (t)

{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumulat kay Khosrow, kay Kaysar, at sa Negus, at sa bawat maniniil, na nag-aanyaya sa kanila tungo kay Allah (t)

Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumulat kay Khosrow, kay Kaysar, at sa Negus, at sa bawat maniniil, na nag-aanyaya sa kanila tungo kay Allah (t) - at hindi sa Negus na dinasalan ng Propeta (s).}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Nagpapabatid si Anas bin Mālik (r) na ang Propeta (s) ay sumulat bago ng kamatayan niya sa nasa paligid niya na mga hari ng mga bansa, na nag-aanyaya sa kanila tungo sa Islam. Sumulat siya kay Khosrow, na taguri sa bawat sinumang naghari sa Persiya; kay Kaysar, na taguri sa bawat sinumang naghari sa Bizancio; at sa Negus, na taguri ng mga hari ng Etyopya. Sumulat din siya sa bawat haring maniniil na tagapamahal sa mga tao, at tagasiil sa kanila. Naglinaw si Anas (r) na ang Negus na sinulatan ay hindi ang Negus na umanib sa Islam, pinapanaw, at nagdasal para rito ang Propeta (s) ng salah para sa patay na wala sa piling.

فوائد الحديث

Ang pagkaisinasabatas ng pag-aanyaya sa hindi mga Muslim tungo sa Islam, na kabilang doon ang mga hari nila at ang mga pinuno nila.

Ang pagkaisinasabatas ng paggawa sa pamamagitan ng pagsulat at mga liham.

التصنيفات

Ang mga Pakikipagsulatan Niya at ang mga Pakikipaglihaman Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan