إعدادات العرض
O Bilāl, magsanaysay ka sa akin ng pinamagantimpalang gawaing ginawa mo sa Islam
O Bilāl, magsanaysay ka sa akin ng pinamagantimpalang gawaing ginawa mo sa Islam
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi kay Bilāl sa sandali ng salah sa madaling-araw: "O Bilāl, magsanaysay ka sa akin ng pinamagantimpalang gawaing ginawa mo sa Islam sapagkat tunay na ako ay nakarinig ng yabag ng sandalyas mo sa harap ko sa Paraiso." Nagsabi ito: "Ang ginagawa kong isang gawaing pinakamagantimpala sa ganang akin ay na ako ay hindi nagpapakadalisay ng isang pagdalisay sa isang oras sa isang gabi o isang maghapon malibang nagdarasal ako dahil sa pagkadalisay na iyon ng iniatas sa akin na dasalin ko."}
الترجمة
العربية Português دری Македонски Magyar Tiếng Việt ქართული Kurdî বাংলা ไทย অসমীয়া Nederlands ਪੰਜਾਬੀ Bahasa Indonesia Kiswahili ភាសាខ្មែរ English Hausa ગુજરાતીالشرح
Nakita ng Propeta (s) sa panaginip na siya ay nasa Paraiso saka nagsabi siya kay Bilāl bin Rabāḥ: "Magpabatid ka sa akin hinggil sa pinakamagantimpalang gawain ng pagkukusang-loob na ginawa mo sa Islam sapagkat tunay na ako ay nakarinig ng mahinang tunog ng sandalyas mo sa pagpapahakbang nito sa paglakad sa harap ko sa Paraiso." Nagsabi si Bilāl: "Ang ginagawa kong isang gawaing pinakamagantimpala sa ganang akin ay na ako ay hindi nasiraan ng kadalisayan sa isang oras sa isang gabi o isang maghapon malibang nagsasagawa ako ng wudu, pagkatapos nagdarasal ako sa Panginoon ko dahil sa wudu na iyon ng mga kinukusang-loob na salah na iniatas sa akin na dasalin ko."فوائد الحديث
Ang kainaman ng gawain na itinuro ni Bilāl (r), na walang iba kundi ang pagdarasal sa tuwing nakapagdalisay siya at nakapagsagawa ng wudu at na ito ay kabilang sa pinakamagantimpala sa mga gawain at kadahilanan sa pagpasok sa Paraiso.
Ang pagsasakaibig-ibig ng pagdarasal matapos ng pagkasagawa ng wudu.
Ang pagtatanong ng tinutuluran o tagapagturo tungkol sa gawain ng estudyante niya upang mag-udyok dito sa pagpapakatatag doon kung iyon ay maganda at kung hindi naman ay ang pagsaway rito.
Isang pagsaksi mula sa Propeta (s) kay Bilāl (r) na ito ay kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso.
Ang tanong na ito ay noong salah sa madaling-araw. Dito ay may isang pahiwatig na iyon ay naganap dahil sa pagkakita sa isang panaginip ng Propeta (s). Ang mga panaginip ng mga propeta ay nagkakatotoo.
