إعدادات العرض
Tunay na ako ay hindi ipinadala bilang palasumpa. Ipinadala lamang ako bilang awa."}
Tunay na ako ay hindi ipinadala bilang palasumpa. Ipinadala lamang ako bilang awa."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Sinabi: "O Sugo ni Allāh, manalangin ka laban sa mga tagapagtambal." Nagsabi siya: "Tunay na ako ay hindi ipinadala bilang palasumpa. Ipinadala lamang ako bilang awa."}
[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
الترجمة
العربية Português دری Македонски Magyar Tiếng Việt ქართული Kurdî বাংলা ไทย অসমীয়া Nederlands ਪੰਜਾਬੀ Bahasa Indonesia Kiswahili ភាសាខ្មែរ English ગુજરાતી Hausaالشرح
Hiniling sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na manalangin siya laban sa mga tagapagtambal kay Allāh. Kaya nagsabi siya: "Hindi ako ipinadala at isinugo ni Allāh bilang palasumpa, na nananalangin laban sa mga tao ng pagpapalayo at pagtataboy mula sa awa ni Allāh para makaputol ako sa kanila sa kabutihan. Tunay na ako ay hindi ipinadala dahil sa ganito. Ipinadala lamang ako upang ako ay maging isang kadahilanan ng kabutihan at awa sa mga tao sa pangkalahatan at sa mga mananampalataya lalo na."فوائد الحديث
Ang kalubusan ng kaasalan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang kahalagahan ng pagpapawalang-kinalaman ng dila sa pag-alipusta at pagsumpa bilang pagtulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Nasaad dito ang pagsaway laban sa pagsumpa.
Ang paghimok sa pagkaawa sa mga tao.
التصنيفات
Ang Patnubay Pampropeta