إعدادات العرض
Umalis ka kalakip ng mga sandalyas kong ito. Ang sinumang nakasalubong mo sa likuran ng bakod na ito na sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh habang nakatitiyak nito ang puso niya, magbalita ka sa kanya ng nakagagalak hinggil sa Paraiso
Umalis ka kalakip ng mga sandalyas kong ito. Ang sinumang nakasalubong mo sa likuran ng bakod na ito na sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh habang nakatitiyak nito ang puso niya, magbalita ka sa kanya ng nakagagalak hinggil sa Paraiso
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami minsan ay mga nakaupo sa paligid ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kasama namin sina Abū Bakr at `Umar sa isang pangkat. Tumayo ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa gitna namin saka umiwan siya sa amin. Natakot kami na maagaw siya palayo sa amin. Nanghilakbot kami kaya tumayo kami. Ako ang kauna-unahan sa mga nanghilakbot. Lumabas ako na naghahanap sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hanggang sa nakarating ako sa isang bakuran ng Anṣār, ng angkan ng An-Najjār. Umikot ako roon. Makatatagpo kaya ako ng isang pintuan? Biglang may batis pala na pumapasok sa kaloob-looban ng bakod mula sa isang balon sa labas. Ang batis ay ang sapa. Kaya nagsumiksik ako kaya nakapasok ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi siya: "Si Abū Hurayrah?" Kaya nagsabi ako: "Opo, O Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Ano ang pumapatungkol sa iyo?" Nagsabi ako: "Ikaw kanina ay nasa gitna namin saka tumayo ka saka umiwan ka sa amin saka natakot kami na maagaw ka palayo sa amin saka nanghilakbot kami saka ako ang kauna-unahan sa sinumang nanghilakbot kaya pumunta ako sa bakod na ito saka nagsumiksik ako kung paanong nagsusumiksik ang soro habang ang mga taong ito ay nasa likuran ko." Nagsabi siya: "O Abū Hurayrah." Nagbigay siya sa akin ng sandalyas niya. Nagsabi siya: "Umalis ka kalakip ng mga sandalyas kong ito. Ang sinumang nakasalubong mo sa likuran ng bakod na ito na sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh habang nakatitiyak nito ang puso niya, magbalita ka sa kanya ng nakagagalak hinggil sa Paraiso." Ang kauna-unahan sa nakasalubong ko ay si `Umar saka nagsabi ito: "Ano itong mga sandalyas, O Abū Hurayrah?" Kaya nagsabi ako: "Ang mga ito ay mga sandalyas ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagpadala siya sa akin ng mga ito. Ang sinumang makakasalubong ko na sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh habang nakatitiyak nito ang puso niya, magbabalita ako sa kanya ng nakagagalak hinggil sa Paraiso." Kaya tumapik si `Umar ng kamay niya sa pagitan ng mga dibdib ko kaya bumagsak ako sa pigi ko saka nagsabi siya: "Bumalik ka, O Abū Hurayrah." Kaya bumalik naman ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka napinto akong maiyak. Bumuntot sa akin si `Umar saka biglang siya ay nasa hulihan ko. Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ano ang mayroon sa iyo, O Abū Hurayrah?" Nagsabi ako: "Nakatagpo ko si `Umar kaya nagpabatid ako sa kanya hinggil sa ipinagpadala mo sa akin ngunit tumapik siya sa pagitan ng mga dibdib ko sa isang pagtapik na bumagsak ako sa pigi ko. Nagsabi siya na bumalik ako." Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O `Umar, ano ang nag-udyok sa iyo sa ginawa mo?" Nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, kapalit ng ama ko ikaw at ina ko, nagpadala ka po ba kay Abū Hurayrah kalakip ng mga sandalyas mo, na sa sinumang nakatagpo niya na sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh habang nakatitiyak dito ang puso niyon magbabalita siya roon ng nakagagalak hinggil sa Paraiso?" Nagsabi siya: "Oo." Nagsabi ito: "Kaya huwag mong gawin sapagkat tunay na ako ay natatakot na umaasa ang mga tao roon, kaya hayaan mo sila na gumawa." Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaya hayaan mo sila."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල ئۇيغۇرچە Kurdî Português Kiswahili Nederlands অসমীয়া ગુજરાતી Magyar ქართული Hausa Română ไทย తెలుగు मराठी ភាសាខ្មែរ دری አማርኛ Македонскиالشرح
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakaupo minsan sa isang pangkat ng mga Kasamahan, na kabilang sina Abū Bakr at `Umar. Tumayo siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), pagkatapos umiwan sa kanila kaya natakot sila na dapuan siya ng isang kinasusuklaman mula sa isang kaaway, na maaaring dahil sa isang pagbihag at maaaring dahil sa iba pa rito. Kaya tumayo ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) habang mga nanghihilakbot. Ang kauna-unahan sa sinumang nanghilakbot ay si Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) hanggang sa pumunta ito sa isang hardin ng angkan ng An-Najjār saka nagsimula itong pumapalibot doon nang harinawa ito ay makatagpo ng isang pintuang nakabukas ngunit hindi ito nakatagpo subalit ito ay nakatagpo ng isang maliit na pagkakabukas sa pader na pumapasok mula roon ang tubig kaya nagsuksok ito ng katawan nito hanggang sa nakapasok ito saka natagpuan nito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi naman siya rito: "Ikaw ay si Abū Hurayrah?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Ano ang pumapatungkol sa iyo?" Nagsabi si Abū Hurayrah: "Ikaw kanina ay nasa gitna namin saka tumayo ka saka umiwan ka sa amin saka natakot kami na maagaw ka palayo sa amin saka nanghilakbot kami saka ako ang kauna-unahan sa sinumang nanghilakbot kaya pumunta ako sa bakod na ito saka nagsumiksik ako kung paanong nagsusumiksik ang soro habang ang mga taong ito ay nasa hulihan ko." Nagbigay rito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga sandalyas niya bilang sagisag at palatandaan na ito ay tapat. Nagsabi siya rito: "Umalis ka kalakip ng mga sandalyas kong ito. Ang sinumang nakasalubong mo sa likuran ng bakod na ito na sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh at walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh, ang sinumang ito ay naging katangian niya, siya ay kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso." Ang kauna-unahan sa nakasalubong nito ay si `Umar saka nagsabi iyon dito: "Ano itong mga sandalyas, O Abū Hurayrah?" Kaya nagsabi ito: "Ang mga ito ay mga sandalyas ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagpadala siya sa akin ng mga ito. Ang sinumang makakasalubong ko na sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh habang nakatitiyak nito ang puso niya, magbabalita ako sa kanya ng nakagagalak hinggil sa Paraiso." Kaya tumapik si `Umar ng kamay nito sa pagitan ng dibdib ni Abū Hurayrah kaya bumagsak ito sa pigi nito saka nagsabi iyon: "Bumalik ka, O Abū Hurayrah." Kaya bumalik naman ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang nanghihilakbot na nag-iiba ang mukha, na nakahanda sa pag-iyak at sumunod si `Umar at naglakad sa likuran ko. Kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ano ang mayroon sa iyo, O Abū Hurayrah?" Nagsabi ako: "Nakatagpo ko si `Umar kaya nagpabatid ako sa kanya hinggil sa ipinagpadala mo sa akin ngunit tumapik siya sa isang pagtapik na bumagsak ako sa pigi ko. Nagsabi siya na bumalik ako." Nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O `Umar, ano ang nag-udyok sa iyo sa ginawa mo?" Nagsabi si `Umar: "O Sugo ni Allāh, kapalit ng ama ko ikaw at ina ko, nagpadala ka po ba kay Abū Hurayrah kalakip ng mga sandalyas mo, na sa sinumang nakatagpo niya na sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh habang nakatitiyak dito ang puso niyon magbabalita siya roon ng nakagagalak hinggil sa Paraiso?" Nagsabi siya: "Oo." Nagsabi ito: "Kaya huwag mong gawin sapagkat tunay na ako ay natatakot na umaasa ang mga tao sa sabi niyon lamang nang walang paggawa kaya hayaan mo sila na gumawa." Nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaya hayaan mo sila, samakatuwid.فوائد الحديث
Ang tindi ng pag-ibig ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang sigasig nila sa kaligtasan niya mula sa bawat kinasusuklaman.
Ang Pagkaisinasabatas ng Pagbabalita ng Nakagagalak na Balita
Ang pananampalataya ay pagsasabi, paggawa, at paniniwala.
Nagsabi si Al-Qāḍī `Iyāḍ at ang iba pa sa kanya: Ang ginawa ni `Umar (malugod si Allāh sa kanya) at ang pagsangguni nito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi isang pagsalungat sa kanya at isang pagsalungat sa utos niya yayamang wala sa ipinadala kay Abū Hurayrah na iba pa sa pagpapaaya-aya sa mga puso ng Kalipunan at pagbalita ng nakagagalak sa kanila ngunit nagturing si `Umar (malugod si Allāh dito) na ang pagkukubli nito ay higit na angkop para sa kanila at higit na marapat na hindi sila sumalig at na ito ay higit na magbabalik sa kanila ng kabutihan kaysa sa minamadali ng nakagagalak na balitang ito. Kaya noong naglahad ito niyon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), sumang-ayon siya rito kaugnay roon.
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Nasaad sa ḥadīth na ito na ang pinuno at ang nakatatanda ay kapag nakakita siya ng isang bagay at nakakita ang ilan sa mga tagasunod niya ng kasalungatan niyon, nararapat sa tagasunod na maglahad niyon sa sinusunod upang tumingin siya roon. Kapag lumitaw sa kanya na ang sinabi ng tagasunod ay ang tama, sasangguni siya rito; at kung hindi naman, maglilinaw siya sa tagasunod ng sagot sa maling akala na inilahad sa kanya.
Ang pagpayag sa pagpigil sa laganap ng ilan sa mga kaalaman na walang pangangailangan sa mga ito para sa kapakanan o dala ng pangamba sa katiwalian.
Isang dakilang nakagagalak na balita para sa mga alagad ng Tawḥīd at na ang sinumang namatay habang siya ay sumasaksi na walang Diyos kundi si Allāh nang wagas mula sa puso niya, ukol sa kanya ang Paraiso.
Ang lakas ni `Umar (malugod si Allāh sa kanya), ang karunungan niya, at ang lawak ng pagkaunawa niya.
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Nasaad dito ang pagpayag sa pagpasok ng tao sa pag-aari ng iba nang walang pahintulot nito kapag nalaman niya na ito ay nalulugod doon dahil sa pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa o sa dahilang iba pa roon.