إعدادات العرض
Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa higit na mainam kaysa sa antas ng ayuno, dasal, at kawanggawa?
Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa higit na mainam kaysa sa antas ng ayuno, dasal, at kawanggawa?
Ayon kay Abu Ad-Dardā' (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa higit na mainam kaysa sa antas ng ayuno, dasal, at kawanggawa?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Ang pag-aayos sa may namagitang alitan sapagkat tunay na ang pagkasira sa may namagitang alitan ay ang tagapag-ahit."}
الترجمة
العربية Português دری Македонски Magyar Tiếng Việt ქართული Kurdî বাংলা ไทย অসমীয়া Nederlands ਪੰਜਾਬੀ Bahasa Indonesia Kiswahili ភាសាខ្មែរ English ગુજરાતી Hausaالشرح
Nagtanong ang Propeta (s) sa mga Kasamahan niya: "Magpapabatid ba ako sa inyo hinggil sa higit na mainam kaysa sa pabuya ng pagpapabuya ng kinukusang-loob na ayuno, dasal, at kawanggawa?" Nagsabi sila: "Opo."فوائد الحديث
Ang pagpatnubay ng Propeta (s) sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga Kasamahan at ang pagpapanabik sa kanila sa pag-alam sa sagot.
Nagsabi si Aṭ-Ṭaybīy: Ang paghimok at ang pagpapaibig sa pagsasaayos sa may namagitang alitan at ang pag-iwas sa pagsira sa kaayusan nito ay dahil ang pagsasaayos ay isang kadahilanan sa pangungunyapit sa lubid ni Allah at hindi pagkakawatak-watak sa pagitan ng mga Muslim at ang kasiraan ng may namagitang alitan ay isang lamat sa Relihiyon. Kaya ang sinumang nagsagawa ng pagsasaayos nito at pumawi ng kasiraan nito, magtatamo siya ng antas na higit sa tinatamo ng tagapag-ayunong nagdarasal na nagpapakaabala sa natatangi sa sarili niya.
