{Samantalang ako ay naglalakad, biglang nakarinig ako ng isang tinig mula sa langit. Kaya nag-angat ako ng paningin ko saka ang anghel pala na dumating sa akin sa Ḥirā'

{Samantalang ako ay naglalakad, biglang nakarinig ako ng isang tinig mula sa langit. Kaya nag-angat ako ng paningin ko saka ang anghel pala na dumating sa akin sa Ḥirā'

Ayon kay Abū Salamah bin `Abdirrḥmān bin Jābir bin `Abdillāh Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: Habang siya ay nagsasanaysay tungkol sa pagkahinto ng pagsisiwalat, nagsabi siya sa sanaysay niya: {Samantalang ako ay naglalakad, biglang nakarinig ako ng isang tinig mula sa langit. Kaya nag-angat ako ng paningin ko saka ang anghel pala na dumating sa akin sa Ḥirā' ay nakaupo sa isang silya sa pagitan ng langit at lupa. Hinilakbot ako sa kanya kaya bumalik ako saka nagsabi ako: "Balutin ninyo ako." Nagpababa naman si Allāh (napakataas Siya): {O nagtatalukbong, bumangon ka saka magbabala ka.} (Qur'ān 74:1-2) hanggang sa sabi Niya: {Sa kasalaulaan ay lumayo ka.} (Qur'ān 74:5) Saka umigting ang pagkasi at nagkasunuran ito.}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), habang siya ay nagsasanaysay, tungkol sa pagkatigil ng pagkasi at pagkapigil sa pagbaba sa simula ng pagkapropeta niya: "Samantalang ako ay naglalakad sa mga eskinita ng Makkah, biglang nakarinig ako ng isang tinig mula sa langit. Kaya nag-angat ako ng paningin ko saka si Anghel Gabriel pala na dumating sa akin sa Yungib ng Ḥirā' ay nakaupo sa isang silya sa pagitan ng langit at lupa. Hinilakbot ako at nangilabot ako sa kanya kaya bumalik ako sa mag-anak ko saka nagsabi ako: "Balabalan ninyo ako ng damit." Nagpababa naman si Allāh (napakataas Siya): {O nagtatalukbong} na nagbabalabal ng damit niya, {bumangon ka} para sa pag-aanyaya {saka magbabala ka.} magbigay-babala ka sa hindi sumasampalataya sa mensahe mo. {Sa Panginoon mo} at Diyos mong sinasamba {ay dumakila ka}, magpuri ka, at gumalang ka. {Sa mga damit mo} at mga kasuutan mo {ay magdalisay ka} mula sa mga karumihan. {Sa kasalaulaan} ng pagsamba sa mga anito at mga diyus-diyusan {ay lumayo ka} at mag-iwan ka. Saka lumakas ang pagkasi matapos niyon at nagdamihan ito.

فوائد الحديث

Ang pagkaputol ng pagkasi sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang saglit matapos ng pagbaba ng sabi ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): {Bumasa ka!}

Ang pagpayag sa pagsasanaysay ng tao ng nangyari sa kanya na mga pagsubok matapos ng paglaho ng mga ito bilang pasasalamat kay Allāh (napakataas Siya).

Ang una sa bumaba ay ang sabi ni Allāh: {O nagtatalukbong,} matapos ng pagbaba ng: {Bumasa ka sa ngalan ng Panginoon mo na lumikha,}.

Ang kabutihang-loob ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) sa Propeta Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan) yayamang pumuspos Siya rito ng pagkasi Niya nang walang pagkatigil hanggang sa iniwan nito ang Mundo.

Ang pagkakinakailangan ng pagsasagawa ng pag-aanyaya tungo kay Allāh (napakataas Siya), pagbabala sa mga tagaayaw, at pagbalita ng nakagagalak sa mga tagatalima.

Ang pagkakinakailangan ng pagdalisay sa mga damit para sa pagsasagawa ng ṣalāh. Humango sila ng patunay niyon sa sabi ni Allāh: {Sa mga damit mo ay magdalisay ka.}

Ang pagkakinakailangan ng pananampalataya sa mga anghel at sa ipinakaya sa kanila ni Allāh na mga gawain at iba pa sa mga ito.

التصنيفات

Ang Kaangkanan Niya – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan