Magalak ka sa dalawang liwanag na walang binigyan ng dalawang ito na isang propeta bago mo: ang Pambungad ng Aklat at ang mga Pangwakas ng Kabanatang Al-Baqarah. Hindi ka bibigkas ng isang titik mula sa dalawang ito malibang bibigyan ka [ng hiling mo]."}

Magalak ka sa dalawang liwanag na walang binigyan ng dalawang ito na isang propeta bago mo: ang Pambungad ng Aklat at ang mga Pangwakas ng Kabanatang Al-Baqarah. Hindi ka bibigkas ng isang titik mula sa dalawang ito malibang bibigyan ka [ng hiling mo]."}

Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Samantalang si Anghel Gabriel ay nakaupo sa tabi ng Propeta (basbasan ito ni Allah at pangalagaan), nakarinig siya ng isang langitngit mula sa ibabaw niya kaya nag-angat siya ng ulo niya saka nagsabi siya: "Iyon ay isang pinto mula sa langit, na binuksan ngayong araw, na hindi iyon binuksan kailanman kundi ngayong araw." May bumaba mula roon na isang anghel kaya nagsabi siya: "Ito ay isang anghel na bumaba papunta sa Lupa, na hind ito bumaba kailanman kundi ngayong araw." Bumati ito at nagsabi ito: "Magalak ka sa dalawang liwanag na walang binigyan ng dalawang ito na isang propeta bago mo: ang Pambungad ng Aklat at ang mga Pangwakas ng Kabanatang Al-Baqarah. Hindi ka bibigkas ng isang titik mula sa dalawang ito malibang bibigyan ka [ng hiling mo]."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalagas) ay minsang nakaupo sa tabi ng Propeta (basbasan ito ni Allah at pangalagaan) saka nakarinig siya ng isang tunog mula sa langit gaya ng tunog ng pinto kapag binuksan ito. Kaya nag-angat si Anghel Gabriel ng ulo niya at paningin niya sa langit. Pagkatapos nagpabatid siya sa Propeta (basbasan ito ni Allah at pangalagaan) na iyon ay isang pinto mula sa langit, na binuksan ngayong araw at hindi pa naunang binuksan iyon kailanman kundi ngayong araw. Bumaba mula roon ang isang anghel, kabilang sa mga anghel, papunta sa Lupa, na hindi ito bumaba kailanman kundi ngayong araw. Bumati ang anghel sa Propeta (s) at nagsabi ito sa kanya: "Magalak ka sa dalawang liwanag na walang binigyan ng dalawang ito na isang propeta bago mo. Ang dalawang ito ay ang Kabanatang Al-Fātiḥah at ang huling dalawang talata mula sa Kabanatang Al-Baqarah." Pagkatapos nagsabi pa ang anghel: "Hindi bibigkas ang isa ng isang titik mula sa dalawang ito malibang bibigyan siya ni Allah (t) na nasa dalawang ito na kabutihan, panalangin, at hiling.

فوائد الحديث

Ang kainaman ng Kabanatang Al-Fātiḥah at mga pangwakas na talata ng Kabanatang Al-Baqarah at ang paghimok sa pagbigkas ng dalawang ito at paggawa ayoin sa nilaman ng dalawang ito.

Ang langit ay may mga pinto na bumababa mula sa mga ito ang kautusang pandiyos at hindi binubuksan malibang ayon sa utos ni Allah (t).

Ang pagliinaw sa karangalan ng Propeta (s) sa Panginoon niya yayamang nagparangal ito sa kanya ng hindi ipinarangal Nito sa mga propetang bago niya sapagkat nagbigay Ito sa kanya ng dalawang liwanang na ito.

Kabilang sa mga istilong ng pag-aanyaya tungo kay Allah ang pagbabalita ng nakagagalak na kabutihan.

التصنيفات

Ang mga Kainaman ng mga Kabanata at mga Talata ng Qur'ān, Ang mga Anghel